Quezon Day | August 19
“I prefer a government run like hell by Filipinos to a government run like heaven by Americans.” –Manuel L. Quezon
Ngayong ika-147 anibersaryo ng kapanganakan ni President Manuel L. Quezon, ating inaalala ang “Ama ng Wikang Pambansa” at kauna-unahang pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas.
Bilang pinunong makabayan, isinulong niya ang pambansang pagkakakilanlan, wika, at karapatan ng mga Pilipino tungo sa kalayaan at sariling pamahalaan.
Ang kanyang pamana ay nagpapaalala na ang tunay na kalayaan ay nakaugat sa pagkakaisa at pagmamahal sa bayan. | via DZXL